Friday, March 03, 2006

okay, sharing time

hi. i was sorting out the piles of paper on my desk and dug up several poems i wrote some time ago. a few of them i've edited with the help of friends from the faculty (thanks ms. alona, sir ver) and from UP (hey dennis, U, mike, amy!).

yung isang tula ko parang may pagka-related sa theme ng Games and Document. gusto ko lang i-share sa inyo, mga minamahal kong estudyante sa Phillit (kahit minsan-minsan pinapa-high blood nyo ako) at sa mga sumusubaybay sa class blogs namin. i invite you to start sharing your creative works online.


Silent mode

Sa tuwing tumutunog ang cellphone ko,
palatandaang naiisip mo pa rin ako
na i-text, kumustahin,
Nagha-hang ang utak ko sa pag-iisip ng marereply—
Na hindi makapag-papaasa
(na maibabalik pa)
pero di din naman gaanong suplada—
na tutugon sa simple mong tanong.
Tugon na hindi mag-a-alert
Sa mga alaalang nakabaon.

Sa pagsagot ko ng “ok lng,
kmusta din? ü"
Mas natatakot akong ma-wrongsend
Kaysa sa ma-misread
Ang txt na kung sa signal ng iba
Mapasa, mapadala…
Lintek!
Siguradong unlimited na away

debate,
tampuhan,
at iyakan
Ang nakatakda, ang gulo
dahil sa isang inosenteng akto
Ng pagha-“hi,helo, howru ü.”

Mas mabuti pa kayang ‘wag na lang
Magparamdam, magpa-misscall.
Kunwari na lang mejo walang signal,
Check op na, o puwedeng na-PUK ka,
Puwede ding na-snatchan sa Calamba.
Tutulungan pa kita
sa pamamagitan ng pangde-deadma.

Mahirap nga lang sa ngayon,
Sa panahong bawal ang makaluma
Sa panahon ng malupit na teknolohiya
Sa panahong mahirap kumawala sa napakaraming
mata
bibig
at tenga.
Lahat ay abot kamay,
Abot tanaw,
Nasa dulo ng daliri.
Lahat maliban sa tunay na nadarama.



No comments: